Surah Ghāfir (Ang Mapagpatawad — غافر) (Talata 26)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




40 Ghāfir(غافر), Talata 26

وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُونِي أَقْتُلْ مُوسَىٰ وَلْيَدْعُ رَبَّهُ ۖ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يُبَدِّلَ دِينَكُمْ أَوْ أَنْ يُظْهِرَ فِي الْأَرْضِ الْفَسَادَ 26 ٢٦

Nagsabi si Paraon: “Hayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan.” (26)

Tafsīr
Nagsabi si Paraon: "Pabayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises bilang parusa sa kanya at dumalangin siya sa Panginoon niya na ipagsanggalang siya laban sa akin sapagkat ako ay hindi nag-aalintana na dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpaiba siya sa relihiyon ninyo na kayo ay naroon o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagpatay at paninira."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba