Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Ghāfir — Talata 26 (Tagalog) — Bidyo

Ghāfir • Talata 26 sa 85 • Tagalog


وَقَالَ فِرْعَوْنُ ذَرُونِي أَقْتُلْ مُوسَىٰ وَلْيَدْعُ رَبَّهُ ۖ إِنِّي أَخَافُ أَنْ يُبَدِّلَ دِينَكُمْ أَوْ أَنْ يُظْهِرَ فِي الْأَرْضِ الْفَسَادَ 26
Pagsasalin:
Nagsabi si Paraon: “Hayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises at dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpalit siya sa relihiyon ninyo o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan.” Ghāfir 40:26
Tafsīr:
Nagsabi si Paraon: "Pabayaan ninyo ako, papatayin ko si Moises bilang parusa sa kanya at dumalangin siya sa Panginoon niya na ipagsanggalang siya laban sa akin sapagkat ako ay hindi nag-aalintana na dumalangin siya sa Panginoon niya. Tunay na ako ay nangangamba na magpaiba siya sa relihiyon ninyo na kayo ay naroon o na magpangibabaw siya sa lupain ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagpatay at paninira."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Ghāfir • Talata 25 Susunod Ghāfir • Talata 27