Kaya noong naghatid si Moises na sa kanila ng katotohanan mula sa ganang Amin ay nagsabi sila: “Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at pamuhayin ninyo ang mga babae nila [para maglingkod].” Walang iba ang panlalansi ng mga tagatangging sumampalataya kundi nasa isang pagkaligaw. Ghāfir 40:25 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong naghatid siya sa kanila ng patotoong nagpapatunay sa katapatan niya ay nagsabi sina Paraon: "Patayin ninyo ang mga lalaking anak ng mga sumampalataya kasama sa kanya at panatilihin ninyo ang mga kababaihan nila bilang paghamak sa kanila." Walang iba ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pag-uutos ng pagpapakaunti sa bilang ng mga mananampalataya kundi isang napapahamak na nawawala, na walang bakas para roon.