Surah Ad-Dukhān (Ang Usok) — سُورَةُ الدخان
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
حم i
Ḥā. Mīm. (1)
وَالْكِتَابِ الْمُبِينِ i
Sumpa man sa Aklat na naglilinaw, (2)
إِنَّا أَنْزَلْنَاهُ فِي لَيْلَةٍ مُبَارَكَةٍ ۚ إِنَّا كُنَّا مُنْذِرِينَ i
tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay Kami ay laging Tagapagbabala [sa tao at jinn]. (3)
فِيهَا يُفْرَقُ كُلُّ أَمْرٍ حَكِيمٍ i
Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak, (4)
أَمْرًا مِنْ عِنْدِنَا ۚ إِنَّا كُنَّا مُرْسِلِينَ i
bilang usaping mula sa ganang Amin. Tunay na Kami noon ay nagsusugo, (5)
رَحْمَةً مِنْ رَبِّكَ ۚ إِنَّهُ هُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ i
bilang awa mula sa Panginoon mo. Tunay na Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. (6)
رَبِّ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَمَا بَيْنَهُمَا ۖ إِنْ كُنْتُمْ مُوقِنِينَ i
Panginoon ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito, kung kayo ay mga nakatityak. (7)
لَا إِلَٰهَ إِلَّا هُوَ يُحْيِي وَيُمِيتُ ۖ رَبُّكُمْ وَرَبُّ آبَائِكُمُ الْأَوَّلِينَ i
Walang Diyos kundi Siya, nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya, ang Panginoon ninyo at ang Panginoon ng mga magulang ninyong mga sinauna. (8)
بَلْ هُمْ فِي شَكٍّ يَلْعَبُونَ i
Bagkus sila ay nasa isang pagdududa, na naglalaro. (9)
فَارْتَقِبْ يَوْمَ تَأْتِي السَّمَاءُ بِدُخَانٍ مُبِينٍ i
Kaya mag-abang ka sa Araw na magdadala ang langit ng isang usok na malinaw. (10)
يَغْشَى النَّاسَ ۖ هَٰذَا عَذَابٌ أَلِيمٌ i
Babalot ito sa mga tao; ito ay isang pagdurusang masakit. (11)
رَبَّنَا اكْشِفْ عَنَّا الْعَذَابَ إِنَّا مُؤْمِنُونَ i
Panginoon Namin, pumawi Ka sa amin ng pagdurusa [dahil sa tagtuyot]; tunay na Kami ay mga mananampalataya. (12)
أَنَّىٰ لَهُمُ الذِّكْرَىٰ وَقَدْ جَاءَهُمْ رَسُولٌ مُبِينٌ i
Paanong ukol sa kanila ang paalaala gayong may dumating ng sa kanilang isang Sugong malinaw [na si Propeta Muḥammad]? (13)
ثُمَّ تَوَلَّوْا عَنْهُ وَقَالُوا مُعَلَّمٌ مَجْنُونٌ i
Pagkatapos tumalikod sila palayo sa kanya at nagsabi sila: “Isang baliw na tinuruan [ng iba].” (14)
إِنَّا كَاشِفُو الْعَذَابِ قَلِيلًا ۚ إِنَّكُمْ عَائِدُونَ i
Tunay na Kami ay papawi ng pagdurusa nang kaunti. Tunay na kayo ay mga manunumbalik. (15)
يَوْمَ نَبْطِشُ الْبَطْشَةَ الْكُبْرَىٰ إِنَّا مُنْتَقِمُونَ i
Sa Araw [ng Labanan sa Badr] na susunggab Kami [sa kanila] ng pagsunggab na pinakamalaki, tunay na Kami ay maghihiganti. (16)
وَلَقَدْ فَتَنَّا قَبْلَهُمْ قَوْمَ فِرْعَوْنَ وَجَاءَهُمْ رَسُولٌ كَرِيمٌ i
Talaga ngang sumubok Kami bago nila sa mga tao ni Paraon, at may dumating sa kanila na isang sugong marangal [na si Moises], (17)
أَنْ أَدُّوا إِلَيَّ عِبَادَ اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ رَسُولٌ أَمِينٌ i
na [nagsasabi]: “Ipaubaya ninyo sa akin ang mga [anak ni Israel na] lingkod Ni Allāh – tunay na ako para sa inyo ay isang sugong mapagkakatiwalaan – (18)
وَأَنْ لَا تَعْلُوا عَلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي آتِيكُمْ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ i
at na huwag kayong magmataas kay Allāh; tunay na ako ay pumupunta sa inyo nang may kapamahalaang malinaw. (19)
وَإِنِّي عُذْتُ بِرَبِّي وَرَبِّكُمْ أَنْ تَرْجُمُونِ i
Tunay na ako ay nagpakupkop sa Panginoon ko at Panginoon ninyo na baka bumato kayo sa akin. (20)
وَإِنْ لَمْ تُؤْمِنُوا لِي فَاعْتَزِلُونِ i
Kung hindi kayo naniwala sa akin ay lumayo kayo sa akin.” (21)
فَدَعَا رَبَّهُ أَنَّ هَٰؤُلَاءِ قَوْمٌ مُجْرِمُونَ i
Kaya dumalangin siya sa Panginoon niya na ang mga ito ay mga taong salarin. (22)
فَأَسْرِ بِعِبَادِي لَيْلًا إِنَّكُمْ مُتَّبَعُونَ i
Kaya [nag-utos si Allāh]: “Kaya maglakbay ka kasabay ng mga [anak ni Israel na] lingkod Ko sa isang gabi; tunay na kayo ay mga susundan.” (23)
وَاتْرُكِ الْبَحْرَ رَهْوًا ۖ إِنَّهُمْ جُنْدٌ مُغْرَقُونَ i
Iwan mo ang dagat nang payapa; tunay na sila ay mga kawal na malulunod. (24)
كَمْ تَرَكُوا مِنْ جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ i
Kay rami ng iniwan nila na mga hardin at mga bukal, (25)
وَزُرُوعٍ وَمَقَامٍ كَرِيمٍ i
mga pananim at pinanatilihang marangal, (26)
وَنَعْمَةٍ كَانُوا فِيهَا فَاكِهِينَ i
at biyayang sila dati roon ay mga nagpapasarap! (27)
كَذَٰلِكَ ۖ وَأَوْرَثْنَاهَا قَوْمًا آخَرِينَ i
Gayon nga, at nagpamana Kami ng mga ito sa mga ibang tao. (28)
فَمَا بَكَتْ عَلَيْهِمُ السَّمَاءُ وَالْأَرْضُ وَمَا كَانُوا مُنْظَرِينَ i
Kaya hindi umiyak sa kanila ang langit at ang lupa at sila noon ay hindi mga ipagpapaliban. (29)
وَلَقَدْ نَجَّيْنَا بَنِي إِسْرَائِيلَ مِنَ الْعَذَابِ الْمُهِينِ i
Talaga ngang nagligtas Kami sa mga anak ni Israel mula sa pagdurusang manghahamak (30)
مِنْ فِرْعَوْنَ ۚ إِنَّهُ كَانَ عَالِيًا مِنَ الْمُسْرِفِينَ i
mula kay Paraon. Tunay na siya dati ay nagmamataas kabilang sa mga nagpapakalabis. (31)
وَلَقَدِ اخْتَرْنَاهُمْ عَلَىٰ عِلْمٍ عَلَى الْعَالَمِينَ i
Talaga ngang pumili Kami sa kanila [na mga anak ni Israel] ayon sa kaalaman, higit sa mga nilalang [ng panahon nila]. (32)
وَآتَيْنَاهُمْ مِنَ الْآيَاتِ مَا فِيهِ بَلَاءٌ مُبِينٌ i
Nagbigay Kami sa kanila ng mga tanda na may isang pagsubok na malinaw. (33)
إِنَّ هَٰؤُلَاءِ لَيَقُولُونَ i
Tunay na ang mga [tagapagtambal] ito ay talagang nagsasabi: (34)
إِنْ هِيَ إِلَّا مَوْتَتُنَا الْأُولَىٰ وَمَا نَحْنُ بِمُنْشَرِينَ i
“Walang iba ito kundi ang pagkamatay naming una at kami ay hindi mga bubuhayin. (35)
فَأْتُوا بِآبَائِنَا إِنْ كُنْتُمْ صَادِقِينَ i
Kaya maglahad kayo ng mga magulang namin kung kayo ay mga tapat.” (36)
أَهُمْ خَيْرٌ أَمْ قَوْمُ تُبَّعٍ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ أَهْلَكْنَاهُمْ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا مُجْرِمِينَ i
Sila ba ay higit na mabuti o ang mga tao ng Tubba` at ang mga bago pa nila, na ipinahamak Namin [dahil sa kasalanan]? Tunay na sila ay mga salarin noon. (37)
وَمَا خَلَقْنَا السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ وَمَا بَيْنَهُمَا لَاعِبِينَ i
Hindi Kami lumikha ng mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito nang naglalaro. (38)
مَا خَلَقْنَاهُمَا إِلَّا بِالْحَقِّ وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ i
Hindi Kami lumikha ng mga ito malibang ayon sa katotohanan subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (39)
إِنَّ يَوْمَ الْفَصْلِ مِيقَاتُهُمْ أَجْمَعِينَ i
Tunay na ang Araw ng Pagpapasya ay tipanan nila nang magkakasama, (40)
يَوْمَ لَا يُغْنِي مَوْلًى عَنْ مَوْلًى شَيْئًا وَلَا هُمْ يُنْصَرُونَ i
sa Araw na walang magpapakinabang na isang pinagpapatangkilikan sa isang nagpapatangkilik ng anuman ni sila ay iaadya, (41)
إِلَّا مَنْ رَحِمَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ هُوَ الْعَزِيزُ الرَّحِيمُ i
maliban sa sinumang kinaawaan ni Allāh; tunay na Siya ay ang Makapangyarihan, ang Maawain. (42)
إِنَّ شَجَرَتَ الزَّقُّومِ i
Tunay na ang puno ng Zaqqūm (43)
طَعَامُ الْأَثِيمِ i
ay pagkain ng makasalanan. (44)
كَالْمُهْلِ يَغْلِي فِي الْبُطُونِ i
Gaya ng latak ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan [nila], (45)
كَغَلْيِ الْحَمِيمِ i
gaya ng pagkulo ng nakapapasong tubig. (46)
خُذُوهُ فَاعْتِلُوهُ إِلَىٰ سَوَاءِ الْجَحِيمِ i
[Sasabihin]: “Kunin ninyo siya at kaladkarin ninyo siya patungo sa kalagitnaan ng Impiyerno. (47)
ثُمَّ صُبُّوا فَوْقَ رَأْسِهِ مِنْ عَذَابِ الْحَمِيمِ i
Pagkatapos magbuhos kayo sa ibabaw ng ulo niya mula sa pagdurusa sa nakapapasong tubig. (48)
ذُقْ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْكَرِيمُ i
Lasapin mo; tunay na ikaw ay ang makapangyarihan, ang mapagbigay. (49)
إِنَّ هَٰذَا مَا كُنْتُمْ بِهِ تَمْتَرُونَ i
Tunay na ito ay ang [bagay na] dati kayo hinggil dito ay nagtataltalan.” (50)
إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي مَقَامٍ أَمِينٍ i
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa pinananatilihang ligtas, (51)
فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ i
sa mga hardin at mga bukal, (52)
يَلْبَسُونَ مِنْ سُنْدُسٍ وَإِسْتَبْرَقٍ مُتَقَابِلِينَ i
na magsusuot ng manipis na sutla at makapal na sutla, na mga magkaharapan. (53)
كَذَٰلِكَ وَزَوَّجْنَاهُمْ بِحُورٍ عِينٍ i
Gayon nga, at ipakakasal Namin sila sa mga dilag na may maningning na mata. (54)
يَدْعُونَ فِيهَا بِكُلِّ فَاكِهَةٍ آمِنِينَ i
Mananawagan sila roon ng bawat bungang-kahoy habang mga natitiwasay. (55)
لَا يَذُوقُونَ فِيهَا الْمَوْتَ إِلَّا الْمَوْتَةَ الْأُولَىٰ ۖ وَوَقَاهُمْ عَذَابَ الْجَحِيمِ i
Hindi sila lalasap doon ng kamatayan maliban sa unang pagkamatay at magsasanggalang Siya sa kanila sa pagdurusa sa Impiyerno (56)
فَضْلًا مِنْ رَبِّكَ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ i
bilang kabutihang-loob mula sa Panginoon mo. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. (57)
فَإِنَّمَا يَسَّرْنَاهُ بِلِسَانِكَ لَعَلَّهُمْ يَتَذَكَّرُونَ i
Kaya nagpadali lamang Kami nito sa dila mo nang sa gayon sila ay magsasaalaala. (58)
فَارْتَقِبْ إِنَّهُمْ مُرْتَقِبُونَ i
Kaya mag-abang ka [ng wakas nila]; tunay na sila ay mga nag-aabang. (59)