Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 14

قُلْ لِلَّذِينَ آمَنُوا يَغْفِرُوا لِلَّذِينَ لَا يَرْجُونَ أَيَّامَ اللَّهِ لِيَجْزِيَ قَوْمًا بِمَا كَانُوا يَكْسِبُونَ 14 ١٤

Sabihin mo sa mga sumampalataya na magpatawad sila sa mga hindi nag-aasam ng mga araw ni Allāh upang gumanti Siya sa mga tao dahil sa dati nilang nakakamit [na kasalanan]. (14)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa Sugo Niya: "Magpalampas kayo sa sinumang gumawa ng masagwa sa inyo kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na hindi pumapansin sa mga biyaya ni Allāh o mga salot Niya sapagkat tunay na si Allāh ay gaganti sa bawat isa sa mga mananampalatayang nagtitiis at mga tagatangging sumampalatayang lumalabag, dahil sa dati nilang nakakamit na mga gawa sa Mundo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba