Surah Al-Jāthiyah (Ang mga Nakaluhod — الجاثية) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




45 Al-Jāthiyah(الجاثية), Talata 23

أَفَرَأَيْتَ مَنِ اتَّخَذَ إِلَٰهَهُ هَوَاهُ وَأَضَلَّهُ اللَّهُ عَلَىٰ عِلْمٍ وَخَتَمَ عَلَىٰ سَمْعِهِ وَقَلْبِهِ وَجَعَلَ عَلَىٰ بَصَرِهِ غِشَاوَةً فَمَنْ يَهْدِيهِ مِنْ بَعْدِ اللَّهِ ۚ أَفَلَا تَذَكَّرُونَ 23 ٢٣

Kaya nakakita ka ba sa sinumang gumawa bilang diyos niya sa pithaya niya? Nagligaw rito si Allāh ayon sa kaalaman [dito], nagpinid Siya sa pandinig nito at puso nito, at naglagay Siya sa paningin nito ng isang takip. Kaya sino pa ang papatnubay rito matapos na ni Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala? (23)

Tafsīr
Tumingin ka, O Sugo, sa sumunod sa pithaya niya at naglagay rito sa antas ng sinasamba para rito, na hindi ito sumasalungat doon. Nagligaw nga rito si Allāh ayon sa kaalaman mula sa Kanya sapagkat ito ay nagiging karapat-dapat sa pagpapaligaw. Nagpinid si Allāh sa puso nito kaya hindi ito nakaririnig ayon sa pagdinig na pakikinabangan nito. Naglagay si Allāh sa paningin nito ng isang balot na humahadlang dito sa pagkita sa katotohanan. Kaya sino pa ang magtutuon dito sa katotohanan matapos na nagligaw rito si Allāh? Kaya hindi ba kayo magsasaalaala ng pinsala ng pagsunod sa pithaya at ng pakinabang ng pagsunod sa Batas ni Allāh?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba