Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 28)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya bakit hindi nag-adya sa kanila ang mga ginawa nila bukod pa kay Allāh bilang ipinanlalapit-loob [sa Kanya] na mga diyos? Bagkus naligaw ang mga ito palayo sa kanila. Iyon ay ang panlilinlang nila at ang dati nilang ginagawa-gawa. (28)
Tafsīr
Kaya bakit kaya hindi nag-adya sa kanila ang mga anitong ginawa nilang mga diyos bukod pa kay Allāh, na nagpapakalapit sila sa mga ito sa pamamagitan ng pagsamba at pag-aalay? Hindi nag-adya ang mga ito sa kanila nang tiyakan, bagkus nawala ang mga ito sa kanila nang pinakakailangan nila ang mga ito. Iyon ay kasinungalingan nila at paggawa-gawa nila, na minithi ng mga sarili nila: na ang mga anitong ito ay magpakinabang sa kanila at mamagitan para sa kanila sa harap ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: