Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Ito ay] upang magpapasok Siya sa mga lalaking mananampalataya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito, [upang] magtakip-sala Siya sa kanila sa mga masagwang gawa nila – laging iyon sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan – (5)
Tafsīr
[Ito ay] upang magpapasok si Allāh sa mga lalaking mananampalataya sa Kanya at sa Sugo Niya at mga babaing mananampalataya sa mga hardin na dumadaloy ang mga ilog mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at ng mga punong-kahoy ng mga ito at [upang] bumura Siya para sa kanila ng mga masagwang gawa nila para hindi Siya manisi sa kanila dahil sa mga iyon. Laging ang nabanggit na iyon na pagtamo ng hinihiling, ang Paraiso, at pagpapalayo ng pinangingilabutan, ang paninisi dahil sa mga masagwang gawa, sa ganang kay Allāh ay isang pagkatamong sukdulan, na hindi napapantayan ng isang pagkatamo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: