Surah Al-Ḥujurāt (Ang mga Silid — الحجرات) (Talata 5)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung sakaling sila ay nagtiis hanggang sa lumabas ka sa kanila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (5)
Tafsīr
Kung sakaling ang mga tumatawag na ito sa iyo, O Sugo, mula sa likuran ng mga silid ng mga maybahay mo ay nagtiis saka hindi tumawag sa iyo hanggang sa lumabas ka sa kanila para kumausap sila sa iyo habang pinahihina ang mga tinig nila, talaga sanang iyon ay naging mabuti para sa kanila kaysa sa pagtawag sa iyo mula sa likuran ng mga iyon dahil sa dulot nito na paggalang at pagrespeto. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng sinumang nagbalik-loob kabilang sa kanila at kabilang sa iba pa sa kanila, Mapagpatawad sa kanila dahil sa kamangmangan nila, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: