Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 135)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “O mga tao ko, gumawa kayo ayon sa paraan ninyo; tunay na ako ay gumagawa; saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng [mabuting] kahihinatnan sa Tahanan [ng Kabilang-buhay]. Tunay na hindi magtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.” (135)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "O mga tao ko, manatili kayo sa pamamaraan ninyo at anumang kayo ay nariyan gaya ng kawalang-pananampalataya at pagkaligaw sapagkat napagpaumanhinan na ako at naglahad na ako ng katwiran sa inyo sa pamamagitan ng pagpapaabot na malinaw, kaya ako ay hindi pumapansin sa kawalang-pananampalataya ninyo at pagkaligaw ninyo bagkus mananatili ako sa anumang ako ay nariyan gaya ng katotohanan. Saka malalaman ninyo kung sino ang magkakaroon ng pag-aadya sa Mundo, sino ang magmamana ng lupa, at sino ang pag-uukulan ng tahanan sa Kabilang-buhay. Tunay na hindi magtatamo ang mga tagapagtambal: hindi sa Mundo at hindi sa Kabilang-buhay. Bagkus ang kahihinatnan nila ay ang pagkalugi, kahit pa nagtamasa sila ng tinamasa nila sa Mundo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: