Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 147)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 147

فَإِنْ كَذَّبُوكَ فَقُلْ رَبُّكُمْ ذُو رَحْمَةٍ وَاسِعَةٍ وَلَا يُرَدُّ بَأْسُهُ عَنِ الْقَوْمِ الْمُجْرِمِينَ 147 ١٤٧

Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo ay sabihin mo: “Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak ngunit hindi naitutulak ang parusa Niya palayo sa mga taong salarin.” (147)

Tafsīr
Kaya kung nagpasinungaling sila sa iyo, O Sugo, at hindi nagpatotoo sa inihatid mo mula sa Panginoon mo ay sabihin mo bilang pag-uudyok sa kanila: "Ang Panginoon ninyo ay may awang malawak. Bahagi ng awa Niya sa inyo ay ang pagpapalugit Niya sa inyo at ang hindi pagmamadali Niya sa inyo sa pagdurusa." Sabihin mo pa sa kanila bilang pagbabala sa kanila: "Tunay na ang parusa Niya ay hindi nabawi buhat sa mga taong gumagawa ng mga pagsuway at mga kasalanan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba