Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 32)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? (32)
Tafsīr
Walang iba ang buhay na pangmundo na sinasaligan ninyo kundi isang paglalaro at isang kahibangan para sa sinumang hindi gumagawa rito ng nagpapalugod kay Allāh. Ang tahanan sa Kabilang-buhay naman, iyon ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya gaya ng pananampalataya at pagtalima, at ng pag-iwan sa sinaway Niya gaya ng shirk at pagsuway. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa, O mga tagapagtambal, niyon para sumampalataya kayo at gumawa kayo ng mga maayos?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: