Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 48)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi Kami nagsusugo ng mga isinugo kundi bilang mga tagapagbalita ng nakagagalak at mga tagapagbabala. Kaya ang sinumang sumampalataya at nagsaayos ay walang pangamba sa kanila ni sila ay malulungkot. (48)
Tafsīr
Hindi Kami nagsugo ng mga sugo Namin kundi upang magpabatid sa mga alagad ng pananampalataya at pagtalima ng magpapagalak sa kanila na kaginhawahang mananatili, na hindi mauubos ni mapuputol, at upang magpangamba sa mga alagad ng kawalang-pananampalataya at pagsuway sa parusa Naming matindi. Kaya ang mga sumampalataya sa mga sugo at nagpakatuwid sa gawain nila ay walang pangamba sa kanila sa kahaharapin nila sa Kabilang-buhay nila ni sila ay malulungkot at manghihinayang sa anumang nakaalpas sa kanila mula sa mga kapalarang pangmundo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: