Surah Aṣ-Ṣaff (Ang Hanay — الصف) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




61 Aṣ-Ṣaff(الصف), Talata 14

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُونُوا أَنْصَارَ اللَّهِ كَمَا قَالَ عِيسَى ابْنُ مَرْيَمَ لِلْحَوَارِيِّينَ مَنْ أَنْصَارِي إِلَى اللَّهِ ۖ قَالَ الْحَوَارِيُّونَ نَحْنُ أَنْصَارُ اللَّهِ ۖ فَآمَنَتْ طَائِفَةٌ مِنْ بَنِي إِسْرَائِيلَ وَكَفَرَتْ طَائِفَةٌ ۖ فَأَيَّدْنَا الَّذِينَ آمَنُوا عَلَىٰ عَدُوِّهِمْ فَأَصْبَحُوا ظَاهِرِينَ 14 ١٤

O mga sumampalataya, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo gaya ng sinabi ni Jesus na anak ni Maria sa mga disipulo niya: “Sino ang mga tagapag-adya ko tungo kay Allāh?” Nagsabi ang mga disipulo: “Kami ay ang mga tagapag-adya tungo kay Allāh.” Kaya may sumampalataya na isang pangkatin mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na isang pangkatin. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya laban sa kaaway nila, kaya sila ay naging mga tagapangibabaw. (14)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa sa isinabatas Niya para sa kanila, maging mga tagapag-adya ni Allāh kayo sa pamamagitan ng pag-aadya ninyo sa Relihiyon Niyang inihatid ng Sugo ninyo, tulad ng pag-aadya ng mga disipulo noong nagsabi sa kanila si Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan: "Sino ang mga tagapag-adya ko kay Allāh?" Kaya sumagot sila sa kanya, na mga nagdadali-dali: "Kami ay ang mga tagapag-adya ni Allāh." Kaya may sumampalataya kay Jesus – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na isang grupo mula sa mga anak ni Israel at may tumangging sumampalataya na iba pang grupo. Kaya umalalay Kami sa mga sumampalataya kay Jesus laban sa mga tumangging sumampalataya sa kanya, kaya sila ay naging mga nakadadaig laban sa mga iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba