Surah At-Taghābun (Ang Pandaraya — التغابن) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




64 At-Taghābun(التغابن), Talata 16

فَاتَّقُوا اللَّهَ مَا اسْتَطَعْتُمْ وَاسْمَعُوا وَأَطِيعُوا وَأَنْفِقُوا خَيْرًا لِأَنْفُسِكُمْ ۗ وَمَنْ يُوقَ شُحَّ نَفْسِهِ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 16 ١٦

Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa abot ng makakaya ninyo, makinig kayo, tumalima kayo, at gumugol kayo [sa landas ni Allāh] ng isang kabutihan para sa mga sarili ninyo. Ang sinumang ipinagsanggalang sa kasakiman ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatagumpay. (16)

Tafsīr
Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sa abot ng makakaya ninyo sa pagtalima sa Kanya sa anuman, makinig kayo, tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, at magkaloob kayo ng mga yaman ninyo na itinustos sa inyo ni Allāh sa paggawa ng mga uri ng kabutihan. Ang sinumang ipinagsanggalang ni Allāh sa sigasig ng sarili niya, ang mga iyon ay ang mga magtatamo ng hinihiling nila at ang mga maliligtas sa pinangingilabutan nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba