Surah Al-A‘rāf (Ang Kataasan — الأعراف) (Talata 49)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




7 Al-A‘rāf(الأعراف), Talata 49

أَهَٰؤُلَاءِ الَّذِينَ أَقْسَمْتُمْ لَا يَنَالُهُمُ اللَّهُ بِرَحْمَةٍ ۚ ادْخُلُوا الْجَنَّةَ لَا خَوْفٌ عَلَيْكُمْ وَلَا أَنْتُمْ تَحْزَنُونَ 49 ٤٩

[Magsasabi si Allāh:] Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa? [Sasabihin]: “Magsipasok kayo sa Paraiso; walang pangamba sa inyo ni kayo ay malulungkot.” (49)

Tafsīr
Magsasabi si Allāh habang naninisi sa mga tagatangging sumampalataya: "Ang mga ito ba ang mga sumumpa kayong hindi magpapakamit sa kanila si Allāh ng awa mula sa ganang Kanya?" Magsasabi si Allāh sa mga mananampalataya: "Magsipasok kayo, O mga mananampalataya, sa Paraiso; walang pangamba sa inyo sa hinaharap ninyo ni kayo ay malulungkot sa anumang nakaalpas sa inyo mula sa mga bahagi sa mundo dahil sa kahaharapin ninyong kaginhawahang mamamalagi."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba