Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 19)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 19

إِنْ تَسْتَفْتِحُوا فَقَدْ جَاءَكُمُ الْفَتْحُ ۖ وَإِنْ تَنْتَهُوا فَهُوَ خَيْرٌ لَكُمْ ۖ وَإِنْ تَعُودُوا نَعُدْ وَلَنْ تُغْنِيَ عَنْكُمْ فِئَتُكُمْ شَيْئًا وَلَوْ كَثُرَتْ وَأَنَّ اللَّهَ مَعَ الْمُؤْمِنِينَ 19 ١٩

[O mga tagatangging sumampalataya,] kung humihiling kayo ng pasya ay dumating na sa inyo ang pasya. Kung titigil kayo, ito ay mabuti para sa inyo. Kung manunumbalik kayo [sa pagkalaban] ay manunumbalik Kami [pagtalo sa inyo] at hindi makapagdudulot sa inyo ang pangkatin ninyo ng anuman kahit pa man dumami ito. Si Allāh ay kasama sa mga mananampalataya. (19)

Tafsīr
Kung humihiling kayo, O mga tagapagtambal, na magpaganap si Allāh ng parusa Niya at pinsala Niya sa mga tagalabag sa katarungan na mga nangangaway ay nagpaganap nga si Allāh sa inyo ng hiniling ninyo sapagkat nagbaba Siya sa inyo ng naging isang parusang panghalimbawa para sa inyo at isang pangaral sa mga tagapangilag magkasala. Kung magpipigil kayo sa paghiling niyon, iyon ay mabuti para sa inyo sapagkat marahil nagpalugit Siya sa inyo at hindi nagmadali sa paghihiganti Niya sa inyo. Kung manunumbalik kayo sa paghiling niyon at sa pakikipaglaban sa mga mananampalataya ay manunumbalik Siya sa pagpapaganap ng pagdurusa sa inyo at sa pag-aadya sa mga mananampalataya. Hindi magdudulot sa inyo ang pangkat ninyo ni ang mga tagaadya ninyo kahit pa man marami ang bilang at ang kasangkapan sa kabila ng kakauntian ng mga mananampalataya. Tunay na si Allāh ay kasama ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aadya at pagsuporta. Ang sinumang si Allāh ay kasama sa kanya, walang mananaig sa kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba