Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 48)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong ipinang-akit sa kanila [na mga tagapagtambal] ng demonyo ang mga gawa nila at nagsabi siya: “Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito kabilang sa mga tao at tunay na ako ay isang tagakanlong para sa inyo.” Ngunit noong nagkitaan ang dalawang pangkat [sa labanan sa Badr] ay umurong siya sa mga sakong niya at nagsabi siya: “Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakikita ng hindi ninyo nakikita. Tunay na ako ay nangangamba kay Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa.” (48)
Tafsīr
Bumanggit kayo, O mga mananampalataya, ng ilan sa mga biyaya ni Allāh sa inyo: na pinaganda ng demonyo sa mga tagapagtambal ang mga gawa nila kaya nahimok niya sila sa pakikipagkita sa mga Muslim at pakikipaglaban sa kanila. Nagsabi siya sa kanila: "Walang tagadaig para sa inyo sa araw na ito. Tunay na ako ay tagaadya sa inyo at tagakanlong sa inyo laban sa kaaway ninyo." Ngunit noong nagkita ang dalawang pulutong: ang pulutong ng mga mananampalataya kasama ng mga anghel na mag-aadya sa kanila at ang pulutong ng mga tagapagtambal kasama ng demonyo na magtatatwa sa kanila, tumalikod ang demonyo habang tumatakas. Nagsabi siya sa mga tagapagtambal: "Tunay na ako ay walang-kaugnayan sa inyo. Tunay na ako ay nakakikita sa mga anghel na dumating para mag-adya sa mga mananampalataya. Tunay na ako ay nangangamba na magpahamak sa akin si Allāh. Si Allāh ay matindi ang parusa kaya walang isang nakakakaya na makapagtiis sa parusa Niya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: