Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 7)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nangangako sa inyo si Allāh ng isa sa dalawang pangkatin, na ito ay ukol sa inyo, at nag-aasam kayo na ang walang taglay na sandata ay magiging para sa inyo samantalang nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng mga salita Niya at pumutol sa ugat ng mga tagatangging sumampalataya (7)
Tafsīr
Banggitin ninyo, O mga mananampalatayang nakikipagtalo, noong nangangako sa inyo si Allāh na magiging para sa inyo ang magwagi sa isa sa dalawang pangkatin ng mga tagapagtambal. Ito ay alin sa dalawa: ang karaban at ang dinadala nito na mga yaman kaya makakukuha kayo nito bilang samsam sa digmaan, o ang pagpunta sa labanan kaya makikipaglaban kayo sa kanila at magwawagi kayo sa kanila. Naiibigan ninyo mismo na manaig kayo sa karaban dahil sa kadalian ng pagsamsam dito at kagaanan nito nang walang pakikipaglaban. Nagnanais si Allāh na magtotoo sa katotohanan sa pamamagitan ng pag-uutos sa inyo ng pakikipaglaban upang mapatay ninyo ang mga magiting ng mga tagapagtambal at makabihag kayo ng marami sa kanila upang lumitaw ang lakas ng Islām.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: