Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 61

وَمِنْهُمُ الَّذِينَ يُؤْذُونَ النَّبِيَّ وَيَقُولُونَ هُوَ أُذُنٌ ۚ قُلْ أُذُنُ خَيْرٍ لَكُمْ يُؤْمِنُ بِاللَّهِ وَيُؤْمِنُ لِلْمُؤْمِنِينَ وَرَحْمَةٌ لِلَّذِينَ آمَنُوا مِنْكُمْ ۚ وَالَّذِينَ يُؤْذُونَ رَسُولَ اللَّهِ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 61 ٦١

Mayroon sa kanila na mga nananakit sa Propeta at nagsasabi: “Siya ay isang tainga [na dumidinig].” Sabihin mo: “[Siya ay] isang tainga ng kabutihan para sa inyo, na sumasampalataya kay Allāh at naniniwala sa mga mananampalataya, at isang awa para sa mga sumampalataya kabilang sa inyo.” Ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (61)

Tafsīr
Kabilang sa mga mapagpaimbabaw ang mga nananakit sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa pamamagitan ng pananalita sapagkat nagsasabi sila noong nakasaksi sila sa pagtitimpi niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan: "Tunay na siya ay nakikinig sa bawat isa, naniniwala rito, at hindi nakatatalos sa pagkakaiba ng katotohanan at kabulaanan." Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang Sugo ay hindi dumidinig maliban sa kabutihan, naniniwala kay Allāh, naniniwala sa ipinababatid ng mga mananampalataya na mga tapat, at naaawa sa kanila sapagkat tunay na ang pagkakapadala sa kanya ay isang awa para sa sinumang sumampalataya sa kanya." Ang mga nananakit sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ng alinmang uri mula sa mga uri ng pananakit, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba