Surah An-Najm (Ang Bituin) — سُورَةُ النجم

Surah An-Najm - Ang ikalimampu't tatlong kabanata ng Qur'an, na nagbibigay-diin sa banal na kapahayagan, ang paglalakbay ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), at pananagutan sa Araw ng Paghuhukom.

Surah An-Najm (Ang Bituin) — سُورَةُ النجم

مَا ضَلَّ صَاحِبُكُمْ وَمَا غَوَىٰ ٢ i

53:2

Hindi naligaw ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] at hindi siya nalisya. (2)

فَكَانَ قَابَ قَوْسَيْنِ أَوْ أَدْنَىٰ ٩ i

53:9

Kaya ito ay naging nasa layo ng dalawang pana o higit na malapit. (9)

مَا زَاغَ الْبَصَرُ وَمَا طَغَىٰ ١٧ i

53:17

Hindi lumiko ang paningin [ni Propeta Muḥammad] at hindi ito lumampas. (17)

لَقَدْ رَأَىٰ مِنْ آيَاتِ رَبِّهِ الْكُبْرَىٰ ١٨ i

53:18

Talaga ngang may nakita siya mula sa pinakamalaking mga tanda ng Panginoon Niya. (18)

أَفَرَأَيْتُمُ اللَّاتَ وَالْعُزَّىٰ ١٩ i

53:19

Kaya nakaisip ba kayo [O mga tagapagtambal] kina Allāt at Al`uzzā, (19)

إِنْ هِيَ إِلَّا أَسْمَاءٌ سَمَّيْتُمُوهَا أَنْتُمْ وَآبَاؤُكُمْ مَا أَنْزَلَ اللَّهُ بِهَا مِنْ سُلْطَانٍ ۚ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ وَمَا تَهْوَى الْأَنْفُسُ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مِنْ رَبِّهِمُ الْهُدَىٰ ٢٣ i

53:23

Walang iba ang mga [diyus-diyusang] ito kundi mga pangalang ipinangalan ninyo mismo at ng mga ninuno ninyo. Hindi nagpababa si Allāh kaugnay sa mga ito ng anumang katunayan. Hindi sila sumusunod maliban sa pagpapalagay at pinipithaya ng mga sarili. Talaga ngang dumating sa kanila mula sa Panginoon nila ang patnubay. (23)

وَكَمْ مِنْ مَلَكٍ فِي السَّمَاوَاتِ لَا تُغْنِي شَفَاعَتُهُمْ شَيْئًا إِلَّا مِنْ بَعْدِ أَنْ يَأْذَنَ اللَّهُ لِمَنْ يَشَاءُ وَيَرْضَىٰ ٢٦ i

53:26

Kay rami ng anghel sa mga langit na hindi nakapagdudulot ang pamamagitan nila ng anuman maliban nang matapos na magpahintulot si Allāh sa sinumang niloloob Niya at kinalulugdan Niya. (26)

إِنَّ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِالْآخِرَةِ لَيُسَمُّونَ الْمَلَائِكَةَ تَسْمِيَةَ الْأُنْثَىٰ ٢٧ i

53:27

Tunay na ang mga hindi sumasampalataya sa Kabilang-buhay ay talagang nagpapangalan sa mga anghel ng pagpapangalan sa babae. (27)

وَمَا لَهُمْ بِهِ مِنْ عِلْمٍ ۖ إِنْ يَتَّبِعُونَ إِلَّا الظَّنَّ ۖ وَإِنَّ الظَّنَّ لَا يُغْنِي مِنَ الْحَقِّ شَيْئًا ٢٨ i

53:28

Walang ukol sa kanila rito na anumang kaalaman. Wala silang sinusunod kundi ang pagpapalagay. Tunay na ang pagpapalagay ay hindi nakapagdudulot kapalit ng katotohanan ng anuman. (28)

فَأَعْرِضْ عَنْ مَنْ تَوَلَّىٰ عَنْ ذِكْرِنَا وَلَمْ يُرِدْ إِلَّا الْحَيَاةَ الدُّنْيَا ٢٩ i

53:29

Kaya umayaw ka sa sinumang tumalikod sa [Qur’ān na] paalaala Namin [mula sa Qur’ān] at hindi nagnais kundi ng buhay na pangmundo. (29)

ذَٰلِكَ مَبْلَغُهُمْ مِنَ الْعِلْمِ ۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ وَهُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اهْتَدَىٰ ٣٠ i

53:30

Iyon ay ang inaabot nila mula sa kaalaman. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya at higit na maalam sa sinumang napatnubayan. (30)

وَلِلَّهِ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَمَا فِي الْأَرْضِ لِيَجْزِيَ الَّذِينَ أَسَاءُوا بِمَا عَمِلُوا وَيَجْزِيَ الَّذِينَ أَحْسَنُوا بِالْحُسْنَى ٣١ i

53:31

Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa upang gumanti Siya sa mga gumawa ng masagwa ayon sa anumang ginawa nila at gumanti Siya sa mga gumawa ng maganda ayon sa pinakamaganda. (31)

الَّذِينَ يَجْتَنِبُونَ كَبَائِرَ الْإِثْمِ وَالْفَوَاحِشَ إِلَّا اللَّمَمَ ۚ إِنَّ رَبَّكَ وَاسِعُ الْمَغْفِرَةِ ۚ هُوَ أَعْلَمُ بِكُمْ إِذْ أَنْشَأَكُمْ مِنَ الْأَرْضِ وَإِذْ أَنْتُمْ أَجِنَّةٌ فِي بُطُونِ أُمَّهَاتِكُمْ ۖ فَلَا تُزَكُّوا أَنْفُسَكُمْ ۖ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنِ اتَّقَىٰ ٣٢ i

53:32

Ang mga umiiwas sa mga malaki sa kasalanan at mga mahalay maliban sa mga kasalanang maliit, tunay na ang Panginoon mo ay malawak ang kapatawaran. Siya ay higit na maalam sa inyo noong nagpaluwal Siya sa inyo mula sa lupa at noong kayo ay mga bilig sa mga tiyan ng mga ina ninyo. Kaya huwag kayong magbusilak ng mga sarili ninyo; Siya ay higit na maalam sa sinumang nangilag magkasala. (32)

أَعِنْدَهُ عِلْمُ الْغَيْبِ فَهُوَ يَرَىٰ ٣٥ i

53:35

Taglay ba niya ang kaalaman sa nakalingid kaya siya ay nakakikita? (35)

أَمْ لَمْ يُنَبَّأْ بِمَا فِي صُحُفِ مُوسَىٰ ٣٦ i

53:36

O hindi siya binalitaan hinggil sa nasa mga kalatas ni Moises (36)

أَلَّا تَزِرُ وَازِرَةٌ وِزْرَ أُخْرَىٰ ٣٨ i

53:38

na hindi magpapasan ang isang tagapasan ng pasanin ng iba, (38)

وَأَنْ لَيْسَ لِلْإِنْسَانِ إِلَّا مَا سَعَىٰ ٣٩ i

53:39

na walang ukol sa tao kundi ang pinagpunyagian niya, (39)

وَأَنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الْمُنْتَهَىٰ ٤٢ i

53:42

Na tungo sa Panginoon mo ang pinagwawakasan [matapos ng kamatayan]. (42)

وَأَنَّهُ خَلَقَ الزَّوْجَيْنِ الذَّكَرَ وَالْأُنْثَىٰ ٤٥ i

53:45

Na Siya ay lumikha sa magkaparis, ang lalaki at ang babae, (45)

وَقَوْمَ نُوحٍ مِنْ قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا هُمْ أَظْلَمَ وَأَطْغَىٰ ٥٢ i

53:52

[Nagpahamak Siya] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay higit na tagalabag sa katarungan at higit na tagapagmalabis. (52)

فَبِأَيِّ آلَاءِ رَبِّكَ تَتَمَارَىٰ ٥٥ i

53:55

Kaya hinggil sa alin sa mga grasya ng Panginoon mo nagtataltalan ka? (55)

هَٰذَا نَذِيرٌ مِنَ النُّذُرِ الْأُولَىٰ ٥٦ i

53:56

[Ang Sugong] ito ay isang mapagbabala kabilang sa mga mapagbabalang sinauna. (56)

لَيْسَ لَهَا مِنْ دُونِ اللَّهِ كَاشِفَةٌ ٥٨ i

53:58

Walang ukol dito bukod pa kay Allāh na isang tagahawi. (58)