Surah Adh-Dhāriyāt (Ang mga Hanging Nagkakalat) — سُورَةُ الذاريات
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالذَّارِيَاتِ ذَرْوًا i
Sumpa man sa mga [hanging] tagapagpalipad sa pagpapalipad [ng alikabok], (1)
فَالْحَامِلَاتِ وِقْرًا i
saka sa mga [ulap na] tagapagdala ng lulan [na tubig], (2)
فَالْجَارِيَاتِ يُسْرًا i
at sa mga [daong na] tagapaglayag nang magaan, (3)
فَالْمُقَسِّمَاتِ أَمْرًا i
saka sa mga [anghel na] tagapagbahagi ng nauukol, (4)
إِنَّمَا تُوعَدُونَ لَصَادِقٌ i
tunay na ang ipinangangako sa inyo ay talagang tapat, (5)
وَإِنَّ الدِّينَ لَوَاقِعٌ i
at tunay na ang Pagtutumbas ay talagang magaganap! (6)
وَالسَّمَاءِ ذَاتِ الْحُبُكِ i
Sumpa man sa langit na may mga daanan, (7)
إِنَّكُمْ لَفِي قَوْلٍ مُخْتَلِفٍ i
tunay na kayo ay talagang nasa isang pagsasabing nagkakaiba [tungkol sa Qur’ān na ito]. (8)
يُؤْفَكُ عَنْهُ مَنْ أُفِكَ i
Nalilinlang palayo rito [sa Qur’ān] ang sinumang nalinlang. (9)
قُتِلَ الْخَرَّاصُونَ i
Napahamak ang mga palasapantaha, (10)
الَّذِينَ هُمْ فِي غَمْرَةٍ سَاهُونَ i
na sila sa isang pagkalubog [sa kamangmangan] ay mga nakaliligta. (11)
يَسْأَلُونَ أَيَّانَ يَوْمُ الدِّينِ i
Nagtatanong sila: “Kailan ang Araw ng Pagtutumbas?” (12)
يَوْمَ هُمْ عَلَى النَّارِ يُفْتَنُونَ i
[Ito ay] sa araw na sila sa ibabaw ng Apoy ay sinisilaban. (13)
ذُوقُوا فِتْنَتَكُمْ هَٰذَا الَّذِي كُنْتُمْ بِهِ تَسْتَعْجِلُونَ i
Lasapin ninyo ang pagsilab sa inyo; ito ay ang dati ninyong minamadali! (14)
إِنَّ الْمُتَّقِينَ فِي جَنَّاتٍ وَعُيُونٍ i
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala ay nasa mga hardin at mga bukal, (15)
آخِذِينَ مَا آتَاهُمْ رَبُّهُمْ ۚ إِنَّهُمْ كَانُوا قَبْلَ ذَٰلِكَ مُحْسِنِينَ i
habang mga kumukuha ng anumang ibinigay sa kanila ng Panginoon nila. Tunay na sila dati bago niyon ay mga tagagawa ng maganda. (16)
كَانُوا قَلِيلًا مِنَ اللَّيْلِ مَا يَهْجَعُونَ i
Sila dati ay kaunti mula sa gabi ang iniidlip. (17)
وَبِالْأَسْحَارِ هُمْ يَسْتَغْفِرُونَ i
Sa mga huling bahagi ng gabi, sila ay humihingi ng tawad [kay Allāh]. (18)
وَفِي أَمْوَالِهِمْ حَقٌّ لِلسَّائِلِ وَالْمَحْرُومِ i
Sa mga yaman nila ay may karapatan para sa nanghihingi at napagkakaitan. [na hindi nanghihingi]. (19)
وَفِي الْأَرْضِ آيَاتٌ لِلْمُوقِنِينَ i
Sa lupa ay may mga tanda para sa mga nakatitiyak, (20)
وَفِي أَنْفُسِكُمْ ۚ أَفَلَا تُبْصِرُونَ i
at sa mga sarili ninyo. Kaya hindi ba kayo nakakikita? (21)
وَفِي السَّمَاءِ رِزْقُكُمْ وَمَا تُوعَدُونَ i
Sa langit ay ang panustos ninyo at ang ipinangangako sa inyo. (22)
فَوَرَبِّ السَّمَاءِ وَالْأَرْضِ إِنَّهُ لَحَقٌّ مِثْلَ مَا أَنَّكُمْ تَنْطِقُونَ i
Kaya sumpa man sa Panginoon ng langit at lupa, tunay na ito ay talagang katotohanan tulad ng [katotohanan na] kayo ay bumibigkas [niyon]. (23)
هَلْ أَتَاكَ حَدِيثُ ضَيْفِ إِبْرَاهِيمَ الْمُكْرَمِينَ i
Dumating kaya sa iyo ang salaysay ng mga panauhin ni Abraham, na mga pinarangalan? (24)
إِذْ دَخَلُوا عَلَيْهِ فَقَالُوا سَلَامًا ۖ قَالَ سَلَامٌ قَوْمٌ مُنْكَرُونَ i
Noong pumasok sila [na mga anghel] sa kanya saka nagsabi sila ng kapayapaan ay nagsabi naman siya: “Kapayapaan, mga taong di-kilala.” (25)
فَرَاغَ إِلَىٰ أَهْلِهِ فَجَاءَ بِعِجْلٍ سَمِينٍ i
Kaya tumalilis siya sa mag-anak niya, saka naghatid ng isang [inihaw na] guyang mataba. (26)
فَقَرَّبَهُ إِلَيْهِمْ قَالَ أَلَا تَأْكُلُونَ i
Kaya naglapit siya nito sa kanila; nagsabi siya: “Hindi ba kayo kakain?” (27)
فَأَوْجَسَ مِنْهُمْ خِيفَةً ۖ قَالُوا لَا تَخَفْ ۖ وَبَشَّرُوهُ بِغُلَامٍ عَلِيمٍ i
Kaya nakadama siya mula sa kanila ng pangangamba. Nagsabi sila: “Huwag kang mangamba.” Nagbalita sila ng nakagagalak sa kanya hinggil sa [pagsilang ni Isaac na] isang batang lalaking maalam. (28)
فَأَقْبَلَتِ امْرَأَتُهُ فِي صَرَّةٍ فَصَكَّتْ وَجْهَهَا وَقَالَتْ عَجُوزٌ عَقِيمٌ i
Kaya lumapit ang maybahay niya habang nasa paghihiyaw [sa tuwa] saka tinampal nito ang mukha nito [sa pagtataka] at nagsabi: “Matandang babaing baog [ako]!” (29)
قَالُوا كَذَٰلِكِ قَالَ رَبُّكِ ۖ إِنَّهُ هُوَ الْحَكِيمُ الْعَلِيمُ i
Nagsabi sila: “Gayon nagsabi ng Panginoon mo; tunay na Siya ay ang Marunong, ang Maalam.” (30)
قَالَ فَمَا خَطْبُكُمْ أَيُّهَا الْمُرْسَلُونَ i
Nagsabi [si Abraham]: “Kaya ano ang sadya ninyo, O mga isinugo?” (31)
قَالُوا إِنَّا أُرْسِلْنَا إِلَىٰ قَوْمٍ مُجْرِمِينَ i
Nagsabi sila: “Tunay na kami ay isinugo sa mga taong salarin, (32)
لِنُرْسِلَ عَلَيْهِمْ حِجَارَةً مِنْ طِينٍ i
upang magsugo kami sa kanila ng mga batong yari sa luwad, (33)
مُسَوَّمَةً عِنْدَ رَبِّكَ لِلْمُسْرِفِينَ i
tinatakan buhat sa Panginoon mo na para sa mga nagpapakalabis.” (34)
فَأَخْرَجْنَا مَنْ كَانَ فِيهَا مِنَ الْمُؤْمِنِينَ i
Kaya nagpalabas Kami ng sinumang dati ay naroon [sa mga lungsod] kabilang sa mga mananampalataya. (35)
فَمَا وَجَدْنَا فِيهَا غَيْرَ بَيْتٍ مِنَ الْمُسْلِمِينَ i
Ngunit wala kaming natagpuan doon maliban sa isang sambahayan ng mga Muslim. (36)
وَتَرَكْنَا فِيهَا آيَةً لِلَّذِينَ يَخَافُونَ الْعَذَابَ الْأَلِيمَ i
Nag-iwan Kami roon ng isang tanda para sa mga nangangamba sa pagdurusang masakit. (37)
وَفِي مُوسَىٰ إِذْ أَرْسَلْنَاهُ إِلَىٰ فِرْعَوْنَ بِسُلْطَانٍ مُبِينٍ i
Kay Moises [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanya kay Paraon kalakip ng isang katunayang malinaw. (38)
فَتَوَلَّىٰ بِرُكْنِهِ وَقَالَ سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ i
Ngunit tumalikod siya kasabay ng kampon niya at nagsabi [tungkol kay Moises]: “Manggagaway o baliw.” (39)
فَأَخَذْنَاهُ وَجُنُودَهُ فَنَبَذْنَاهُمْ فِي الْيَمِّ وَهُوَ مُلِيمٌ i
Kaya kinuha Namin siya at ang mga kawal niya saka itinapon Namin sila sa dagat habang siya ay masisisi. (40)
وَفِي عَادٍ إِذْ أَرْسَلْنَا عَلَيْهِمُ الرِّيحَ الْعَقِيمَ i
Sa [liping] `Ād [ay may tanda] noong nagsugo Kami sa kanila ng hanging mapanira. (41)
مَا تَذَرُ مِنْ شَيْءٍ أَتَتْ عَلَيْهِ إِلَّا جَعَلَتْهُ كَالرَّمِيمِ i
Hindi ito nagpapabaya ng anumang bagay na pinuntahan nito malibang ginawa nito iyon gaya ng nalansag. (42)
وَفِي ثَمُودَ إِذْ قِيلَ لَهُمْ تَمَتَّعُوا حَتَّىٰ حِينٍ i
Sa [liping] Thamūd [ay may tanda] noong sinabi sa kanila: “Magpakatamasa kayo hanggang sa pansamantala.” (43)
فَعَتَوْا عَنْ أَمْرِ رَبِّهِمْ فَأَخَذَتْهُمُ الصَّاعِقَةُ وَهُمْ يَنْظُرُونَ i
Ngunit nagpakasutil sila sa utos ng Panginoon nila kaya dumaklot sa kanila ang lintik habang sila ay nakatingin. (44)
فَمَا اسْتَطَاعُوا مِنْ قِيَامٍ وَمَا كَانُوا مُنْتَصِرِينَ i
Kaya hindi sila nakakaya ng pagtayo at hindi sila dati mga naiaadya. (45)
وَقَوْمَ نُوحٍ مِنْ قَبْلُ ۖ إِنَّهُمْ كَانُوا قَوْمًا فَاسِقِينَ i
[Nagpahamak Kami] sa mga kababayan ni Noe bago pa niyan; tunay na sila dati ay mga taong suwail. (46)
وَالسَّمَاءَ بَنَيْنَاهَا بِأَيْدٍ وَإِنَّا لَمُوسِعُونَ i
Ang langit ay ipinatayo Namin ito sa pamamagitan ng kapangyarihan at tunay na Kami ay talagang tagapagpalawak [nito]. (47)
وَالْأَرْضَ فَرَشْنَاهَا فَنِعْمَ الْمَاهِدُونَ i
Ang lupa ay inilatag Namin ito, saka kay inam na tagapaghimlay [Kami]. (48)
وَمِنْ كُلِّ شَيْءٍ خَلَقْنَا زَوْجَيْنِ لَعَلَّكُمْ تَذَكَّرُونَ i
Mula sa bawat bagay ay lumikha kami ng magkapares, nang sa gayon kayo ay magsasaalaala [ng kakayahan ni Allāh]. (49)
فَفِرُّوا إِلَى اللَّهِ ۖ إِنِّي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ مُبِينٌ i
Kaya tumakas kayo patungo kay Allāh; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw. (50)
وَلَا تَجْعَلُوا مَعَ اللَّهِ إِلَٰهًا آخَرَ ۖ إِنِّي لَكُمْ مِنْهُ نَذِيرٌ مُبِينٌ i
Huwag kayong gumawa kasama kay Allāh ng isang diyos na iba pa; tunay na ako para sa inyo laban dito ay isang mapagbabalang malinaw. (51)
كَذَٰلِكَ مَا أَتَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ مِنْ رَسُولٍ إِلَّا قَالُوا سَاحِرٌ أَوْ مَجْنُونٌ i
Gayon din, walang pumunta sa mga [tao] bago pa nila na isang sugo [mula kay Allāh] malibang nagsabi sila: “Isang manggagaway o isang sinapian.” (52)
أَتَوَاصَوْا بِهِ ۚ بَلْ هُمْ قَوْمٌ طَاغُونَ i
Nagtagubilinan ba sila hinggil dito? Bagkus sila ay mga taong tagapagmalabis. (53)
فَتَوَلَّ عَنْهُمْ فَمَا أَنْتَ بِمَلُومٍ i
Kaya tumalikod ka palayo sa kanila sapagkat ikaw ay hindi masisisi. (54)
وَذَكِّرْ فَإِنَّ الذِّكْرَىٰ تَنْفَعُ الْمُؤْمِنِينَ i
Magpaalaala ka [nang tuluy-tuloy] sapagkat tunay na ang paalaala ay nagpapakinabang sa mga mananampalataya. (55)
وَمَا خَلَقْتُ الْجِنَّ وَالْإِنْسَ إِلَّا لِيَعْبُدُونِ i
Hindi Ako lumikha ng jinn at tao kundi upang sumamba sila sa Akin. (56)
مَا أُرِيدُ مِنْهُمْ مِنْ رِزْقٍ وَمَا أُرِيدُ أَنْ يُطْعِمُونِ i
Hindi Ako nagnanais mula sa kanila ng anumang panustos at hindi Ako nagnanais na magpakain sila sa Akin. (57)
إِنَّ اللَّهَ هُوَ الرَّزَّاقُ ذُو الْقُوَّةِ الْمَتِينُ i
Tunay na si Allāh ay ang Palatustos, ang May Lakas, ang Matibay. (58)
فَإِنَّ لِلَّذِينَ ظَلَمُوا ذَنُوبًا مِثْلَ ذَنُوبِ أَصْحَابِهِمْ فَلَا يَسْتَعْجِلُونِ i
Saka tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan ay mga pagkakasalang tulad ng mga pagkakasala ng mga [sinaunang] kasamahan nila, kaya huwag silang magmadali sa Akin. (59)
فَوَيْلٌ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ يَوْمِهِمُ الَّذِي يُوعَدُونَ i
Kaya kapighatian ay ukol sa mga tumangging sumampalataya, mula sa araw nila ipinangangako sa kanila. (60)