Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
وَإِذِ ابْتَلَىٰ إِبْرَاهِيمَ رَبُّهُ بِكَلِمَاتٍ فَأَتَمَّهُنَّ ۖ قَالَ إِنِّي جَاعِلُكَ لِلنَّاسِ إِمَامًا ۖ قَالَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِي ۖ قَالَ لَا يَنَالُ عَهْدِي الظَّالِمِينَ i
[Banggitin] noong sumubok kay Abraham ang Panginoon niya sa pamamagitan ng mga salita saka tumupad ito sa mga iyon. Nagsabi Siya: “Tunay na Ako ay gagawa sa iyo para sa mga tao bilang pinuno.” Nagsabi ito: “Mayroon sa mga supling ko?” Nagsabi Siya: “Hindi sumasaklaw ang kasunduan sa Akin sa mga tagalabag sa katarungan.” (124)
وَإِذْ جَعَلْنَا الْبَيْتَ مَثَابَةً لِلنَّاسِ وَأَمْنًا وَاتَّخِذُوا مِنْ مَقَامِ إِبْرَاهِيمَ مُصَلًّى ۖ وَعَهِدْنَا إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ أَنْ طَهِّرَا بَيْتِيَ لِلطَّائِفِينَ وَالْعَاكِفِينَ وَالرُّكَّعِ السُّجُودِ i
[Banggitin] noong gumawa Kami sa Bahay bilang balikan para sa mga tao at bilang katiwasayan. Gumawa kayo mula sa tayuan ni Abraham ng isang dasalan. Naghabilin Kami kina Abraham at Ismael na magdalisay silang dalawa ng Bahay Ko para sa mga lumilibot, mga namimintuho, at mga yumuyukod na nagpapatirapa. (125)
وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ رَبِّ اجْعَلْ هَٰذَا بَلَدًا آمِنًا وَارْزُقْ أَهْلَهُ مِنَ الثَّمَرَاتِ مَنْ آمَنَ مِنْهُمْ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ ۖ قَالَ وَمَنْ كَفَرَ فَأُمَتِّعُهُ قَلِيلًا ثُمَّ أَضْطَرُّهُ إِلَىٰ عَذَابِ النَّارِ ۖ وَبِئْسَ الْمَصِيرُ i
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham: “Panginoon ko, gawin Mo [ang Makkah] ito na isang bayang matiwasay at tustusan Mo ang mga naninirahan dito mula sa mga bunga – ang sinumang sumampalataya kabilang sa kanila kay Allāh at sa Huling Araw.” Nagsabi Siya: “Ang sinumang tumangging sumampalataya ay pagtatamasain Ko nang kaunti, pagkatapos ipagpipilitan Ko siya sa pagdurusa sa Apoy. Kay saklap ang kahahantungan!” (126)
وَإِذْ يَرْفَعُ إِبْرَاهِيمُ الْقَوَاعِدَ مِنَ الْبَيْتِ وَإِسْمَاعِيلُ رَبَّنَا تَقَبَّلْ مِنَّا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ i
[Banggitin] noong nag-angat si Abraham ng mga pundasyon ng Bahay, at si Ismael, [ay dumalangin siya]: “Panginoon Namin, tanggapin Mo mula sa amin; tunay na Ikaw ay ang Madinigin, ang Maalam. (127)
رَبَّنَا وَاجْعَلْنَا مُسْلِمَيْنِ لَكَ وَمِنْ ذُرِّيَّتِنَا أُمَّةً مُسْلِمَةً لَكَ وَأَرِنَا مَنَاسِكَنَا وَتُبْ عَلَيْنَا ۖ إِنَّكَ أَنْتَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ i
O Panginoon namin, at gawin Mo kami bilang mga tagapagpasakop sa Iyo at mula sa mga supling namin bilang kalipunang tagapagpasakop sa Iyo, ipakita Mo sa amin ang mga pamamaraan [ng pagsamba] namin, at tanggapin Mo ang pagbabalik-loob namin. Tunay na Ikaw ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain. (128)
رَبَّنَا وَابْعَثْ فِيهِمْ رَسُولًا مِنْهُمْ يَتْلُو عَلَيْهِمْ آيَاتِكَ وَيُعَلِّمُهُمُ الْكِتَابَ وَالْحِكْمَةَ وَيُزَكِّيهِمْ ۚ إِنَّكَ أَنْتَ الْعَزِيزُ الْحَكِيمُ i
Panginoon namin, at magpadala Ka sa kanila ng isang sugo kabilang sa kanila, na bibigkas sa kanila ng mga talata Mo, magtuturo sa kanila ng kasulatan at karunungan, at magbubusilak sa kanila. Tunay na Ikaw ay ang Makapangyarihan, ang Marunong.” (129)
وَمَنْ يَرْغَبُ عَنْ مِلَّةِ إِبْرَاهِيمَ إِلَّا مَنْ سَفِهَ نَفْسَهُ ۚ وَلَقَدِ اصْطَفَيْنَاهُ فِي الدُّنْيَا ۖ وَإِنَّهُ فِي الْآخِرَةِ لَمِنَ الصَّالِحِينَ i
Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos. (130)
إِذْ قَالَ لَهُ رَبُّهُ أَسْلِمْ ۖ قَالَ أَسْلَمْتُ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ i
[Banggitin] noong nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: “Magpasakop ka” ay nagsabi siya: “Nagpasakop ako sa Panginoon ng mga nilalang.” (131)
وَوَصَّىٰ بِهَا إِبْرَاهِيمُ بَنِيهِ وَيَعْقُوبُ يَا بَنِيَّ إِنَّ اللَّهَ اصْطَفَىٰ لَكُمُ الدِّينَ فَلَا تَمُوتُنَّ إِلَّا وَأَنْتُمْ مُسْلِمُونَ i
Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: “O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya].” (132)
أَمْ كُنْتُمْ شُهَدَاءَ إِذْ حَضَرَ يَعْقُوبَ الْمَوْتُ إِذْ قَالَ لِبَنِيهِ مَا تَعْبُدُونَ مِنْ بَعْدِي قَالُوا نَعْبُدُ إِلَٰهَكَ وَإِلَٰهَ آبَائِكَ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ إِلَٰهًا وَاحِدًا وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ i
O kayo ba ay mga saksi noong dumating kay Jacob ang kamatayan? Noong nagsabi siya sa mga anak niya: “Ano ang sasambahin ninyo matapos na [ng pagkayao] ko” ay nagsabi sila: “Sasambahin namin ang Diyos mo at ang Diyos ng mga ninuno mong sina Abraham, Ismael, at Isaac: nag-iisang Diyos, at kami ay sa Kanya mga tagapagpasakop.” (133)
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُمْ مَا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْأَلُونَ عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ i
Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa. (134)
وَقَالُوا كُونُوا هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ تَهْتَدُوا ۗ قُلْ بَلْ مِلَّةَ إِبْرَاهِيمَ حَنِيفًا ۖ وَمَا كَانَ مِنَ الْمُشْرِكِينَ i
Nagsabi sila: “Maging mga Hudyo o mga Kristiyano kayo, mapapatnubayan kayo.” Sabihin mo: “Bagkus [sumunod] sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].” (135)
قُولُوا آمَنَّا بِاللَّهِ وَمَا أُنْزِلَ إِلَيْنَا وَمَا أُنْزِلَ إِلَىٰ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطِ وَمَا أُوتِيَ مُوسَىٰ وَعِيسَىٰ وَمَا أُوتِيَ النَّبِيُّونَ مِنْ رَبِّهِمْ لَا نُفَرِّقُ بَيْنَ أَحَدٍ مِنْهُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُسْلِمُونَ i
Sabihin ninyo: “Sumampalataya kami kay Allāh, sa pinababa sa amin, at sa pinababa kina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob at sa [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel], sa ibinigay kay Moises at kay Jesus, at sa ibinigay sa mga propeta mula sa Panginoon nila. Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa kabilang sa kanila. Kami sa Kanya ay mga tagapagpasakop.” (136)
فَإِنْ آمَنُوا بِمِثْلِ مَا آمَنْتُمْ بِهِ فَقَدِ اهْتَدَوْا ۖ وَإِنْ تَوَلَّوْا فَإِنَّمَا هُمْ فِي شِقَاقٍ ۖ فَسَيَكْفِيكَهُمُ اللَّهُ ۚ وَهُوَ السَّمِيعُ الْعَلِيمُ i
Kaya kung sumampalataya sila sa tulad ng sinampalatayanan ninyo ay napatnubayan nga sila; at kung tatalikod sila, sila lamang ay nasa isang hidwaan at sasapat sa iyo laban sa kanila si Allāh. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. (137)
صِبْغَةَ اللَّهِ ۖ وَمَنْ أَحْسَنُ مِنَ اللَّهِ صِبْغَةً ۖ وَنَحْنُ لَهُ عَابِدُونَ i
[Manatili sa] relihiyon ni Allāh. Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allāh sa [pagtatag ng] relihiyon? Tayo sa Kanya ay mga tagasamba. (138)
قُلْ أَتُحَاجُّونَنَا فِي اللَّهِ وَهُوَ رَبُّنَا وَرَبُّكُمْ وَلَنَا أَعْمَالُنَا وَلَكُمْ أَعْمَالُكُمْ وَنَحْنُ لَهُ مُخْلِصُونَ i
Sabihin mo [O Propeta sa mga May Kasulatan]: “Nangangatwiran ba kayo sa amin hinggil kay Allāh samantalang Siya ay ang Panginoon namin at ang Panginoon ninyo? Ukol sa amin ang mga gawa namin at ukol sa inyo ang mga gawa ninyo. Kami para sa Kanya ay mga nagpapakawagas [sa pagsamba].” (139)
أَمْ تَقُولُونَ إِنَّ إِبْرَاهِيمَ وَإِسْمَاعِيلَ وَإِسْحَاقَ وَيَعْقُوبَ وَالْأَسْبَاطَ كَانُوا هُودًا أَوْ نَصَارَىٰ ۗ قُلْ أَأَنْتُمْ أَعْلَمُ أَمِ اللَّهُ ۗ وَمَنْ أَظْلَمُ مِمَّنْ كَتَمَ شَهَادَةً عِنْدَهُ مِنَ اللَّهِ ۗ وَمَا اللَّهُ بِغَافِلٍ عَمَّا تَعْمَلُونَ i
O nagsasabi kayo: “Tunay na sina Abraham, Ismael, Isaac, Jacob, at ang [mga propeta ng] mga lipi [ng Israel] ay noon mga Hudyo o mga Kristiyano?” Sabihin mo: “Kayo ba ay higit na maalam o si Allāh? Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang nagtatago ng isang pagsaksi na nasa ganang kanya mula kay Allāh? Si Allāh ay hindi nalilingat sa anumang ginagawa ninyo.” (140)
تِلْكَ أُمَّةٌ قَدْ خَلَتْ ۖ لَهَا مَا كَسَبَتْ وَلَكُمْ مَا كَسَبْتُمْ ۖ وَلَا تُسْأَلُونَ عَمَّا كَانُوا يَعْمَلُونَ i
Iyon ay isang kalipunang lumipas na. Ukol doon ang nakamit niyon at ukol sa inyo ang nakamit ninyo. Hindi kayo tatanungin tungkol sa anumang dati nilang ginagawa. (141)
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba